Bigtime rollback ipinatupad ng ilang oil companies

NAGPATUPAD ngayon ng ng panibagong price rollback ang ilang kompanya ng langis.

Kaninang 12:01 ng hatinggabi tinapyasan ng Shell, Unioil, Eastern Petroleum at Petron ng P1.80 ang presyo ng bawat litro ng kanilang unleaded at premium gasoline, P1.00 sa diesel at kerosene at P1.40 sa regular gasoline.

Sinundan ito ng Phoenix Petroleum kaninang alas-6:00 ng umaga at nagbawas ng P1.80 sa presyo ng kada litro ng unleaded at premium gasoline, P1.00 sa diesel at kerosene at P1.40 din sa regular gasoline.

Ang Seaoil naman ang may pinakamalaking tapyas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo, P2.00 sa kada litro ng unleaded at premium gasoline at P1.00 sa regular gasoline, diesel at kerosene.

Ito ang ika-12 sunod na rollback dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng oil products sa world market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply