Bigtime rollback ipinatupad ng oil companies ngayong araw

NAGPATUPAD ng bigtime rollback ang ilang kompanya ng langis ngayong araw.

Simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, nagtapyas ang UniOil at Flying V ng P1.50 sa presyo ng kada litro ng diesel, unleaded at premium gasoline, habang P2 naman sa regular gasoline at kerosene.

Epektibo naman kaninang alas-9:00 ng umaga ang rollback ng FilOil.

Binawasan ng FilOil ng P1.50 ang presyo ng kada litro ng kanilang diesel, premium at unleaded gasoline habang P2 naman sa kerosene.

Humabol din ang Shell at nagpatupad ulit ng rolbak dakong alas-12:00 ng tanghali.

Tinapyasan pa ng 55 sentimos ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina, 40 sentimos sa diesel, 10 sentimos sa kerosene at 50 sentimos sa regular gasoline.

Ang rollback ay bunsod pa rin ng patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply