Bilang ng ligal, iligal na dayuhan sa PHL aalamin

NAKATAKDANG magsagawa ang Bureau of Immigration (BI) ng survey o pananaliksik hinggil sa kabuuang bilang ng ligal at iligal na dayuhan sa Pilipinas.

Ginawa ng kawanihan ang nasabing plano kasabay ng panawagan sa mga iligal na dayuhang namamalagi sa Pilipinas na magtungo sa kanilang tanggapan upang gawin ligal ang kanilang pamamalagi sa bansa.

Gagawin ng immigration ang nasabing survey upang malaman kung ilan ang kabuuang bilang ng mga dayuhan sa Pilipinas, kabilang na ang mga tinatawag na undocumented aliens.

Nauna nang ipinanukala ng nakalipas na administrasyon ang nasabing survey subalit hindi ito naipatupad sa panahon ni dating BI Commissioner Marcelino Libanan.

Batay sa mga naunang balakin ng kawanihan, hihingin ng immigration ang suporta ng barangay upang alamin kung ilan ang dayuhan na naninirahan sa kanilang lugar.

Umaabot sa mahigit 200,000 dayuhan na ligal ang pananatili sa Pilipinas ang nakatala sa kawanihan.

“Hindi pa kasama sa nasabing bilang ang mga dayuhang turista na binigyan ng 21 araw upang manatili sa Pilipinas, at maari pa itong mapalugitan ng hanggang sa dalawang taon matapos na magbayad ng kaukulang immigration fees,” dagdag pa ni BI-Alien Registration Division (ARD) chief Ronaldo Ledesma.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply