Binata binaril, patay sa Malabon City

UTAS agad ang isang binata matapos itong malapitang pagbabrilin ng hindi pa nakikilalang salarin Biyernes ng gabi June 14, sa Brgy. San Agustin, Malabon City.

Dead on spot si Menandro Racion, y. Querubin, 25, jobless, ng 23 Magsaysay Extencion San Agustin sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan ng hindi batid na kalibre ng baril.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalng salarin bitbit ang ginamit na baril.

Ayon sa imbestigasyon ni Spo1 Eduardo Tibianan ng Station Investigation Division ng Malabon police, dakong alas 7:30 ng naganap ang krimen sa kalsada ng Magsaysay.

Nabatid na mag-isang naglalakad ang una sa nasabing kalsada ng biglang sumulpot mula sa madilim na lugar ang suspek agad nagbunot ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na sanhi ng kanyang maagang kamatayan.

Narekober ng mga otoridad mula sa bangkay ng biktima ng isang patalim at isang silver neckless.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad at inaalam ang tunay na motibo sa likod ng pamamaslang.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply