Binata, binatilyo kulong sa mga bala ng baril

KULONG ang isang binata at isang binatilyo nang mahulihan ng dalawang bala ng baril makaraan manutok ng baril sa isang kalugar sa Malabon City Linggo ng madaling araw, Hunyo 3.

Nahaharap sa kasong illegal possession of ammunitions sina Renz Pigatus, 19 at binatilyong edad 16, kapwa ng A. Bonifacio st., Tugatog ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw, nakatanggap ng reklamo ang mga barangay tanod na nanutok ng baril ang mga suspek sa kalugar na si Cezar Dela Cruz sa nabanggit na lugar.

Nang respondehan ng mga tanod ay nadakip ang mga suspek subalit walang nakuhang baril.

Kinapkapan ang mga suspek hanggang sa makuhanan ng dalawang bala ng kalibre .45 na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply