Binata nakitang patay, kainuman nawawala

PATAY na nang makita ang isang binata habang nawawala ang kainuman na hinihinalang nakapatay sa una sa tapat ng bahay ng huli sa Caloocan City, kaninang madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Rodney Cervantes, nasa hustong gulang ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.

Pinaghahanap naman si Ryan Soliman, 25 at kapitbahay ng biktima.

Sa pahayag ng stepfather ng suspek na si Esteban Larangan, dakong alas-2:00 ng madaling araw, narinig niya ang kangyang apong babae na umiiyak sa labas ng kanilang bahay na naging dahilan upang tingnan ng una.

Laking gulat niya nang naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay ang biktima.

Nabatid pa kay Esteban na bago ang insidente ay nakitang nitong nag-iinuman ang biktima at suspek.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply