Binata patay sa kidlat sa Pangasinan

TODAS ang isang 17-anyos na binata matapos tamaan ng kidlat habang nangunguha ng insekto sa bukirin sa lungsod ng Urdaneta sa Pangasinan.

Ayon sa ulat, nangunguha si Eugene Lopez ng insektong “ar-arawan” nang bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan ng pagkidlat.

Sa kasamaang palad ay tinamaan ang biktima na nagkagutay-gutay pa ang pantalon.

Naitakbo pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply