Binata, pinagbabaril patay sa Malabon

UTAS ang isang binata  matapos itong  barilin  ng dalawang hindi pa nakiklalang salarin habang ang una ay dumalaw sa kanyang kasintahan kaninang madaling araw sa Catmon, Malabon City.

Dead on arrival sa Pagamutan Bayan ng Malabon si Luisito Cecillo y Fajardo, 30, ng Twin Pioneer Brgy 148, Pasay City.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek bitbit ang mga ginamit na baril.

Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina Sp01 Redentor Mantala at Sp01 Edsel Dela Paz, ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon police, dakong alas 12:05 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa Alley Sitio 6 Catmon.

Nabatid na galing sa kanyang kasintahan ang biktima at habang ito ay naglalakad, agad nilapitan ng mga suspek at walang sabi-sabing binaril sa batok ng hindi pa batid na kalibre ng baril habang  ang isa kinuha ang mga personal na ganit ng nasawi bago tumakas.

Base sa pahayag ng kasintahan ng biktima na si Chritine Soriano, aka Che Che, dating nakulong ang kanyang kasintahan sa Pasay City Jail dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 oBinat Dangerious Dug Act .

Patuloy ang isinasagawang imbestgasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa nasabing krimen

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply