Binata tiklo sa pekeng civil service eligibility

ARESTADO ang isang lalaking nagsumite ng pekeng Certificate of Eligibility (COE) ng Civil Service Commission (CSC) na gawa lamang sa Recto, Maynila.

Ang suspect na si Hunsel R. Ubias, 29-anyos at residente ng Sampaloc, Manila, ay nagtungo sa CSC nitong Biyernes upang hilingin ang kanyang authentication ng kanyang COE matapos makapasa sa career service professional examination na ikinasa sa CSC Central Office noong Hunyo 1, 2012 at ito may markang 80.00 porsiyento.

Ang COE ay isang security document na iniisyu ng CSC sa taong nakapasa sa eksmainasyon ng career service eligibility ng Komisyon at ang pangalan ay kabilang sa register of eligibles. Isa ito sa minimum requirement para maging permanente sa serbisyo sa pamahalaan ang eligibility ng kawani.

Nang beripikahin ang talaan ng eksaminasyon, nadiskubre ng CSC na ang COE na iprinisinta ni Ubias ay peke dahil wala itong nakatalang career service professional examination.

Iniskortan ang suspect sa CSC Office for Legal Affairs (OLA) at  lalo pang binusisi ang COE na iprinisinta ni Ubias dahil napansin na ilan sa mga features ng dokumento ay hindi umaayon sa tunay na COE.

Sa kalaunan, boluntaryong inamin ng suspect na ang kanyang COE ay gawa sa “Recto” o C.M. Recto Avenue, kilala na pagawaan ng mga pekeng diploma, certificates at iba pang professional licenses na iligal na ibinebenta.

Dinala si Ubias sa Station 6 ng Quezon City Police District at naghihintay ng pagdinig ng kanyang kaso dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9416.

Kinondena naman ni CSC Chairman Francisco T. Duque III ang naging gawi ni Ubias, kasabay ang pagsasabing ang pagpasok bilang kawani ng gobyerno ay base sa merito at kakayahan ng isang indibiduwal.

“For the past decades, we have instituted stringent measures to protect the integrity of the CSC exams. The public deserves a bureaucracy composed of competent and honest workers, not of misfits and cheats,” giit  ni Duque.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply