Binatilyo ginilitan sa Pangasinan

HALOS tagpas na ang leeg at tadtad ng taga nang matagpuan ang isang 12-anyos na batang lalaki sa bayan ng Bayambang, Pangasinan, sa ulat ng pulisya.

Palaisipan ngayon sa mga homicide probers ng Bayambang Municipal Police Office ang motibo sa pagpaslang sa biktimang si Ronald, isang Grade 7 pupil residente ng nasabing bayan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Bayambang-PNP, natagpuan ng kanyang mga kaanak ang katawan ng biktima sa damuhang bahagi ng Brgy. Caturay sa nabanggit na bayan.

Tadtad ito ng sugat sa ulo at katawan at halos lumabas na ang bungo nito at hindi na rin halos makilala dahil sa matinding pinsala ng kanyang mukha dulot ng pananaga.

Lumalabas na huling nakitang buhay ang binatilyo nitong Sabado ng hapon nang magpaalam sa kanyang mga magulang na mangunguha ng kahoy upang may maipanggatong ngunit hindi na nakabalik pa.

Ayon naman sa kapulisan, posibleng napagkamalang magnanakaw ang biktima at pinatay sa liblib na lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply