Binatilyo, nasagasaan ng bus, todas

DAHIL sa pagsagip sa alagang asong tumawid sa kalsada, isang binatilyo ang namatay nang masagasaan ng isang pampasaherong bus sa Quezon City Sabado ng madaling araw .
ang biktimang

Dead on the spot ang biktimang si John Melo, 13-anyos ng Balintawak, Quezon City sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan.

Hinahanting na ngayon ng Quezon City Police District traffic sector 1 ang tsuper at ang konduktor ng Malanday Bus line na may plakang (TVZ-364) upang panagutin sa krimen .

Ayon sa nanay ng biktima na si Melba, bago ang insidente ay biglang tumawid sa kanto ng Balintawak at Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) dakong ala 12:15 ng madaling araw ang asong alaga ng kanyang anak.

Sa takot na masagasaan, hinabol ito ni John ngunit minalas na mahagip ng naturang pampasaherong bus na patungong Caloocan City.

Ayon sa mga nakasaksi, bumaba pa ang konduktor ng bus at tinignan ang lagay ng kanilang nasagasaan ngunit nang makitang pasugod ang mga kamagnak nito ay muling sumakay at mabilis pinaharurot ang kanilang sasakyan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply