Binatilyo nilamon ng ilog sa Zambales

PINAGHAHANAP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 19-anyos na binatilyo na nawawala matapos mag-swimming sa Magangla River sa San Agustin sa Zambales.

Sa impormasyon, nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Station (CGS) Subic mula sa isang Adonia Ebitner hinggil sa nawawalang si Nathaniel Barreyro, na nag-swimming kasama ang mga kaibigan nang tangayin umano ng malakas na current.

Agad namang isinagawa ang search and rescue operations subalit bigo silang matagpuan ang biktima.

Hanggang ngayon ay puspusan pa rin ang pagsuyod ng PCG katuwang ang barangay officials kasabay ng pakikipag-ugnayan sa iba pang barangay para sa search and rescue operation sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply