Binatilyo pisak sa pader

NAMATAY habang inoobserbahan sa Ospital ng Sampaloc ang isang 16-anyos na binatilyo, matapos mabagsakan ng mataas na pader sa ginagawang gusali sa Sampaloc, Maynila kanina.

Dakong 2:30 ng hapon, ng bawian ng buhay ang biktimang si Jero-en Calderon, ice water vendor at residente ng 4735-A Road 3 V.Mapa St., Sta.Mesa, Maynila.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Alonzo Layugan kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 8:00 kahapon ng umaga nang maganap ang nasabing aksidente sa ginagawang gusali sa panulukan ng Lergarda MF Jocson St., sakop ng Sampaloc, habang ang biktima ay nagtitinda ng malamig na tubig sa nasabing construction site.

Nabatid sa report ng pulisya, mataas umano ang lumang pader na ginigiba sa ginagawang Wisdom Site building, nang bigla umano itong bumigay at nabagsakan ang nasabing binatilyo.

Mabilis na isinugod sa Ospital ng Sampaloc ang binatilyo, subalit bandang 2:30 ng hapon ay binawian ito ng buhay dahil sa pinasalang tinamo sa ulo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, habang masusing inaalam kung dapat papanagutin ang contractor ng nasabing gusali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply