Binatilyo tinarakan sa leeg, patay

PATAY ang 18 anyos na binatilyo matapos tarakan sa leeg ng isang tambay sa hinalang iniinsulto ito ng biktima sa Tondo, Manila, kamakalawa ng hatinggabi.

Namatay ang biktimang si John Bonifacio Y Lazaro, binata  ng C-3 5D Numencia St., Binondo,Manila., sa Jose Reyes Medical Center .

Mabilis namang tumakas ang suspek na kinilalang si Christopher Demetrio Y Roxas, 32 anyos, may asawa, tambay ng 639-B Gerona St., Tondo., bitbit ang ginamit na patalim.

Batay sa ulat ni Det.Virgo Villareal ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 11:00 ng hatinggabi nitong Biyernes nang maganap ang nasabing insidente sa harapan ng Glo and Eme Store sa Pritil market sakop ng Herbosa St., sa Tondo.

Bago ang insidente, kasama ng biktima ang dalawa nitong kaibigan, galing umano sa inuman, nang mapadaan kung saan nakatambay naman si Demetrio. Pinagdudahan ni Demetrio na iniinsulto siya ng tatlo.

Nagkaroon pa umano ng mainitang diskusyon, pero ilang sandali ay bumalik ang suspek na armado na ng patalim. Nagawa pang umawat ni Alexander Sandoval, isang barangay Kagawad, pero lumusot ang matalas na panaksak sa leeg ng biktima, saka mabilis na tumakas si Demetrio.

Mismong si kagawad Sandoval ang nagsugod sa biktima sa pagamutan, pero bandang 12:15 ng madaling araw, bumigay ang murang katawan ng binatilyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply