Binay tutulak sa Saudi para ipaabot ang pakikiramay ng Pinas

NAKATAKDANG tumulak ngayong araw, Martes, si Vice President Jejomar Binay patungong Kingdom of Saudi Arabia upang personal na ipaabot ang pakikiramay ng Pilipinas sa pagpanaw ni Crown Prince Nayef bin Abdul-Aziz.

Kakatawanin ni Binay si Pangulong Aquino sa pagpapaabot ng taus-pusong pakikidalamhati kay King Abdullah bin Abdul-Aziz al-Saud.

Ayon kay Binay, malaki ang naging papel ni Prince Nayef upang maging ligtas ang pakikipagsapalaran ng mahigit sa 1 milyon overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

“Sa papamagitan ng kanyang matagumpay na kampanya laban sa terorismo, naging ligtas ang mamamayan ng Saudi, kabilang na ang mga OFW,” pahayag pa ni Binay.

Namatay si Prince Nayaf sa bansang Switzerland noong Hunyo 16 dahil sa matagal ng iniindang sakit.

Nakatakdang umalis si Binay bandang alas 6:25 ng gabi sakay ng Emirates Airlines sa Ninoy Aquino International Airport.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply