Binurong Divorce Bill, bubuhayin ni Pia

TINIYAK ni Sen. Pia Cayetano na kanyang bubuhayin ang binurong Divorce bill ng mga nakaraang Kongreso upang muling magkaroon ng debate at deliberasyon sa kontrobersiyal na panukala kahit nahihirapan ang senador na mailusot ang Reproductive Health Bill.

Sa lingguhang Kapihan sa Senado, sinabi ni Cayetano na matagal nang dapat matalakay sa Kongreso ang kontrobersiyal na panukala dahil kailangan ng bansa ng mas madaling pamamaraan sa legal na paghihiwalay ng mag-asawa kaysa masalimuot na annulment alinsunod sa itinakda ng Family Code.

“I think Senator Miriam (Defensor-Santiago) has filed a bill including Sen. (Rodolfo) Biazon, we will just re-file the bill and start new debates and deliberations on the measure,” aniya.

“But we only need timing to have more time to debate passionately and intelligently,”  giit pa ni Cayetano.

Aniya, masyadong natatakot ang oposisyon sa pagbuhay ng divorce bill sa temang makakasira ito sa pamilya pero sinabi ng senador na mas maraming pamumuhay ng kababaihan ang nasisira sa kawalan ng diborsiyo sa bansa.

“Natatakot sila sa Divorce bill kasi masira daw ang basic structure ng society, ang family but my question is how many women’s lives has been ruined because we don’t have a divorce,” ayon sa senador.

Tinuligsa din ni Cayetano ang pananaw ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi kailangan ang diborsiyo sa bansa dahil taliwas ito sa doktrina at turo ng Katoliko Romano.

“Problema sa kalalakihan, lagi silang takot humarap sa bill that will affect their personal relationships, they are strong on the bill that is not controversial, but they are hesitant on bills that will affect their personal relationships,” aniya.

Sinabi pa ni Cayetano na ipinagmamalaki ng Pilipinas dahil natatangi tayo sa lahat ng bansang Katoliko sa buong mundo na walang batas hinggil sa diborsiyo.

“We are the only country in the world with no law on divorce, all Catholic country in the world has divorce law, tayo lang ba ang puwedeng mag-suffer sa kawalan ng divorce law? “tanong ng senador.

Sa ilalim ng The New Family Code of the Philippines, tanging annulment at pagwawalang-bisa ng kasal ang pinapayagan sa mag-asawa na may sapat na dahilan sa magkabilang-panig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply