BIR chief pasok sa pagpipilian para maging CJ

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga aspirante para sa binakanteng pwesto ni dating Chief Justice Renato Corona.

Ito ay matapos na may mag-nominate kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa judicial and bar council para sa nasabing posisyon.

Isang Atty. Elpidio Jamora Jr. ang nag-nominate kay Henares sa JBC.

Matatandaan na si Henares ay tumestigo noon sa impeachment trial laban kay CJ Corona sa Senado at kasalukuyang nag-iimbistiga naman sa mga sinasabing hindi umano tamang pagbabayad ng buwis ng mga Corona.

Bukod kay Henares, una ng ini-nominate para sa posisyon sina Atty Katrina legarda, Solgen Francis Jardeleza at dating Ateneo College of Law Dean Cesar Villanueva, habang awtomatiko namang nominado ang 5 most senior SC justices: Acting Chief Justice Antonio Carpio, Associate Justices Arturo Brion, Teresita Leonardo-de Castro, Diosdado Peralta, at Presbitero Velasco Jr.

Ang nominasyon at aplikasyon para sa CJ post ay hanggang sa Hunyo 18, lamang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply