BIR chief: PNoy pwedeng mag-nominate ng CJ

BUKOD sa pag-a-appoint, maaari ring mag-nominate si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ng susunod na punong mahistrado.

Sa ilalim ng batas, sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares, na sinumang mamamayang Pilipino ay maaaring mag-nominate ng kanilang napupusuang maging pinuno ng hudikatura.

At dahil si Pangulong Aquino ay Pinoy, ani Henares, walang makapipigil dito na mag-nominate dahil ito ay kanyang karapatan.

Gayunman, hindi tiyak ni Henares kung gagawin ito ng Pangulo.

Sa ilalim ng Article 8 ng Konstitusyon, ang Judicial Bar and Council ang sumasala sa mga nominado sa mga posisyon sa hudikatura at sa Ombudsman at nagrerekomenda sa Pangulo. Mayroon namang 90 araw ang Pangulo para magtalaga.

Si Henares ay isa sa mga napapaulat na kinukonsidera sa binakanteng pwesto ni dating Chief Justice Renato Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply