Bishop Cruz hinirang na outstanding Dagupeno

HINIRANG ng Dagupan City Government si Retired Archbishop Oscar Cruz bilang isa sa 2012 Outstanding Dagupeños of the Year.

Layunin ng parangal na kilalanin ang di matatawaran at natatanging kontribusyon ni Cruz sa kanilang komunidad.

Hindi naman nakadalo si Cruz sa seremonya na ginanap noong Miyerkules ng gabi sa Dagupan Auditorium kaya’t ang kaniyang award ay tinanggap na lamang ni Fr. Jerry Cera, Rector ng Mary Help Christians Minor Seminary, para sa kanya.

Bagamat hindi nakadalo, nagpa-abot naman ng isang video message ang Arsobispo kung saan pinasalamatan nito ang mga opisyal ng Dagupan City sa pagpili sa kanya bilang isa sa 10 recipients ng parangal.

“Honest, I am very grateful for the recognition even though I know that there are people who are more deserving than me,” ani Cruz. “I cannot but appreciate this very kind and very generous gesture.”

Nabatid na si Cruz ay nagsilbi bilang Archbishop ng Lingayen-Dagupan sa loob ng dalawang dekada o mula Hulyo 1991 hanggang Setyembre 2009, ng may dedikasyon, integridad at pastoral charity.

Ayon kay Dagupan City Councilor Marc Brian Lim, pinarangalan nila si Cruz dahil sa kanyang commitment sa social justice, krusada para sa good governance at patuloy na paglaban sa illegal na sugal, partikular na sa jueteng, na isa sa mga problema ng bansa.

“Msgr. Cruz’s heroism and sterling achievements as God’s servant and human rights activist made him an ideal recipient of the coveted Agew na Dagupan Award,” dagdag pa ni Lim.

Taong 2006 nang pangalanan si Cruz bilang Man of the Year ng Philippine Free Press dahil sa walang sawa nitong pagtulong sa mga miserableng Pinoy na nabibiktima ng jueteng.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply