Bishop Cruz kay CGMA: Magkawang-gawa kaysa bumalik sa pulitika

PINAYUHAN ni retired Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na magkawanga-gawa na lamang sa halip na pumasok muli sa pulitika.

Ayon kay Cruz, ito na lamang ang natatanging paraan upang makabawi ang dating Pangulo sa taumbayan.

Si Arroyo ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City dahil sa kinakaharap na kasong electoral sabotage sa Pasay City Regional Trial Court.

Ipinaliwanag pa ni Cruz na sa ganitong paraan kahit papaano magiging maluwag ang pakiramdam ng dating Pangulo sa kabila ng kaliwa’t kanang kaso na kanyang kinakaharap.

Samantala, pabor naman si Cruz na hayaan na munang i-hospital arrest ang dating Pangulo kung talagang hindi pa maayos ang lagay nito.

Una nang sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na dapat ng ilipat sa ordinaryong kulungan ng mga bilanggo si CGMA na mariin namang tinutulan ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Enrile, hindi pa naman ito napapatunayang nagkasala at para sa humanitarian reason dahil sa kanyang kalusugan ay mas mabuting hayaan na lang itong naka-hospital arrest.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply