Bishop Cruz: Ping OKs sa DILG

KUMPIYANSA ang isang Arsobispo ng Simbahang Katolika na malaki ang magagawa ni Senador Panfilo Lacson sa administrasyong Aquino, partikular na kung mapupuwesto ito sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito ang sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, kasunod nang pahayag ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na pagkakalooban niya ng posisyon si Lacson kapag natapos na ang termino nito sa 2013.

Ayon kay Cruz, malaki ang maitutulong ni Lacson lalo na sa hanay ng pulisya sa pagsugpo ng krimen at iligal na sugal gaya ng jueteng.

Giit pa ng Arsobispo, tested o subok na ang trabaho ng senador at napatunayan na niya ito noong siya pa ang hepe ng Philippine National Police (PNP).

“Para sa akin si Lacson ay maganda yan sa DILG. Sapagkat noong nasa PNP yan, sinabi niya na ayaw ko ng jueteng e tigil lahat ng jueteng. Ayaw niya ng pulis na malaki ang tiyan, nawala lahat ng malalaki ang tiyan. So I think he means business,” ayon kay  Cruz, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Di lamang yan, tiyak na tutuwid ang DILG maging ang mga tiwaling local public officials at ibat ibang krimen,” aniya pa.

Una nang sinabi ni PNoy na napipisil niya si Lacson na papalit kay DILG secretary Jessie Robredo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply