Bishop Mercado: Handang bumaba sa puwesto

TINIYAK ni Paranaque Bishop Jesse Mercado na handa siyang bumaba sa puwesto sakaling mapatunayang totoo ang akusasyon ng katiwalian na ibinibintang sa kaniya.

Ang pahayag ni Mercado ay kasunod nang akusasyon sa kanya ng ilang pari at ilang lay church workers nang pagbubulsa umano ng milyong donasyon na nakolekta ng kaniyang nasasakupang diocese para sa mga biktima ng mga bagyo at iba pang kalamidad.

Mariin namang pinabulaanan ni Mercado ang naturang akusasyon.

Ayon sa Obispo, lahat ng donasyong natatanggap ng kanyang diocese ay maayos na nai-turn over sa intended beneficiaries ng mga ito at handa silang magbigay ng detalyadong report nito.

“The Diocese of Paranaque is audited annually by the Roman Catholic Archdiocese of Manila and receives a 100 percent rating,” ayon pa kay Mercado.

Handa rin naman umano si Mercado na magpaliwanag ng kanyang panig kay Papal Nuncio Archbishop Giuseppe Pinto kung kinakailangan upang linawin ang mga alegasyon ng ilang pari at laity laban sa kanya.

“When needed, why not?  Because I have nothing to hide. He is the representative of the Holy Father. I think, in the end, I will have to talk to him,” aniya pa.

Nang tanungin naman kung handa itong bumaba sa puwesto, madamdaming sinabi ni Mercado na, “I am always at the service of the Church and if the Holy Father thinks that I am not anymore fit to serve, anytime, I’m willing to step down. Anytime!”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply