Bisikleta kontra droga ilulunsad sa Marikina

INIIMBITAHAN ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang lahat na makiisa at lumahok sa gaganaping “Cambio Del Independencia 2, Cambio Contra Droga”, karera ng mga namimisikleta sa Marikina at sa karatig-lugar nito.

Ito ay magaganap sa ika-17 ng Hunyo, Linggo, ika-6 ng umaga sa Marikina River Park.

Layunin ng nasabing proyekto na palaganapin ang paggamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon at mahikayat ang mamamayan na palagiang mamisikleta upang mapanatiling malusog ang pangangatawan at makaiwas sa masasamang bisyo tulad ng droga.

Kabilang sa mga kategoryang lalahukan ay ang sumusunod:18 taong gulang pababa;19-29 taong gulang; 30-39 taong gulang; 40-49 taong gulang;50 taong gulang pataas; Open Category; at Fun Riders.

Ang tatlong mananalo sa bawat kategorya ay mag-uuwi ng premyong salapi, samantalang ang Top 10 sa kategoryang Fun Riders ay bibigyan ng tropeyo.

Bago ang itinakdang karera sa ika-17 ng Hunyo, magsasagawa rin ng free trial race sa ika-10 ng Hunyo. Ito ay magsisimula sa SM Marikina, tatahak sa kahabaan ng Ilog Marikina at babalik muli sa SM Marikina.

Ang mga nais magpatala ay inaabisuhang magsadya sa mga booth na nasa SM Marikina Taxi Bay o Marikina City Bikeways Office.
Mangyaring maghanda ng PhP 350 bilang registration fee (may jersey) o PhP150 (walang jersey).

Para sa iba pang impormasyon at mga katanungan, tumawag o makipag-ugnayan Marikina City Bikeways Office sa numero bilang 682-9575.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply