Bistek, Grace Poe nanawagang gawing national artist si Dolphy

NANAWAGAN si Quezon City Mayor Herbert Bautista at MTRCB Chair Grace Poe Llamanzares na ideklara bilang National Artist ang movie actor Comedy King Rodolfo Vera Quizon Jr., na mas kilala sa tawag na “Dolphy.”

Ayon kay Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB Chairman Llamanzares, malaki na ang naiambag ni Dolphy sa industriya hindi lamang sa pelikula, maging sa telebisyon ay walang kaduda duda na tunay siyang national artist.

At ang obra ng isang national artist ay dapat magbigay ng inspirasyon at magsilbing gabay sa darating na henerasyon.

Ayon pa kay Poe-Llamanzares, nag-iisa lang si Dolphy sa larangan ng komedya sa pinilakang tabing na may pinakamalawak na maaring pamarisan.

Naniniwala naman si Quezon City Mayor Herbert Bautista na dahil sa maraming pusong pinasaya si Dolphy at sa kabila ng mga black and white na pelikula noong araw ay humakot na ng mga parangal ang aktor at nararapat lamang siyang maibilang bilang national artist.

Si Dolphy ang tinuturing inspirasyon ni Bistek o Herbert bautista bilang komedyante sa pinilakang tabing.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply