Biyenan, 3 pa tigok sa may topak

ISABELA- Patay ang apat katao habang dalawa ang sugatan matapos silang salakayin ng lalaking may diperensya sa pag-iisip sa San Pedro, bayan ng Roxas.

Ayon sa impormasyon mula kay S/Supt. Franklin Moises Mabanag, provincial director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), bigla na lamang nag-amok ang suspek na si Jonar Makni, 37, may-asawa, walang trabaho at umano’y may kapansanan sa isip habag armado ng itak.

Nang mamataan nito ang biyenang si Monica Rarama, 58, ay agad niya itong pinagtataga na parang manok.

Idinamay rin ng suspek maging ang matandang kamag-anak nasi Flora Ucol, 60 at ang dalawang batang pamangkin na sina Arianne Mae, 3-anyos at Valerie, 3-anyos din.

Ang mga biktima ay pawang nalagutan ng hininga sa mismong lugar ng krimen dahil sa mga grabeng sugat na tinamo.

Nasugatan din ang anak ni Jonar na si Jayson, 4-anyos at kaanak na si Alexander Rarama, 50, na kapwa nakaratay ngayon sa ospital.

Sinasabing nagkukuwentuhan ang dalawang matanda habang naglalaro naman ang mga batang biktima nang lumabas ng bahay si Jonar na nagsisisigaw at armado ng itak. Nadamay si Alexander nang tangkain nitong awatin ang suspek.

Agad namang nadakip ng mga opisyal ng barangay at pulisya ang suspek na ngayon ay dinala na sa PNP jail sa Roxas, Isabela.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply