Blood Type Act pasado na sa Kamara

IPINASA na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang “Blood Type Identification Act.”

Nakasaad sa House Bill 6154 na dapat maging requirement na sa lahat ng government agencies na nag-iisyu ng lisensiya, certificates at identification cards na ilagay ang blood type ng may-ari ng naturang dokumento.

Pangunahing layunin ng panukala na mabigyan ng agarang aksyon tulad ng blood transfusion ang may-ari kapag may kinakailangang medical emergencies at sakuna.

Multang P10,000 sa sinoman na sinadyang dayain ang impormasyon sa blood type na nakalagay sa ID ang maaaring ipataw kapag naaprubahan ang naturang panukalang batas.

Ang sinumang empleyado o opisyal ng government office na lumabag sa probisyon ay maaaring matanggal sa sernisyo bukod sa pagbabayad ng multa.

Ang panukala ay pangunahing isinulong nina House Majority Leader Neptali Gonzales II (Mandaluyong City), Reps. Juan Edgardo Angara (Aurora), Susan Yap (Tarlac) at Augusto Syjuco (Iloilo).

Ang mga dokumentong dapat mayroong nakalagay na blood type ay birth certificates, community tax certificates, driver’s licenses, professional licenses na inisyu ng Professional Regulation Commission (PRC), firearms licenses, Social Security System (SSS) cards, Government Service Insurance System (GSIS) cards at passports.

Ayon kay Gonzales agad na masasalinan ng dugo ang isang pasyente at biktima ng aksidente o sakuna kung nakalagay sa kanyang ID ang kanyang blood type.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply