Blotter ni Isko tinawanan lang ni Lim

TINAWANAN ni Manila Mayor Alfredo Lim ang ginawang pagpapa-blotter ni Manila Vice Mayor Isko Moreno at ng 23 sa 28 konsehal na kaalyado nito sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) kanina.

Ang pagpapa-blotter ng bise alkalde ay dahil sa umano’y ginawang pahayag ni Lim laban sa kanya sa isang pulong sa mga barangay officials.

“Where’s the crime there? Naturingang abogado pa daw ‘yung iba sa kanila eh ni hindi pala nakakaintindi kung ano ang batas. Mga abogago o ‘abonganga’ pala sila – abogadong tatanga-tanga,” ayon kay Lim.

Kasabay nito, sinabi ni Manila Police District Director Chief Supt. Alex Gutierrez na hindi naghain ng pormal na reklamo si Moreno at mga kasama nitong konsehal at nagpa-blotter lamang ang mga ito.

“Pag-uusapan pa daw nila kung magfa-file ng asunto kaya blotter lang. If you really feel and know that a crime had been committed, bakit mag-uusap pa?” ayon kay Lim.

Ayon sa alkalde wala siyang sinabing masama sa kanyang talumpati.

“Bakit, wala ba silang kamatayan?”, na umano’y ordinaryong salita para ipakita ang reaksiyon sa mga gawaing mali.

Ang kanyang naihayag ay pagkasorpresa lamang kung gaano kaarogante at mapagmalaki si Moreno at mga konsehal sa pagpapakalat ng kasinungalingan sa kanyang administrasyon.

Ito ay sa harap ng patuloy nilang pagtanggi na magpaliwanag kung bakit hindi nila maiharap ng personal ang kanilang mga consultants, researchers at casuals na empleyado sa cashier’s office para kumuha ng kanilang suweldo o kaya ay magsumite ng kanilang personal data sheets.

Iginiit ni Lim na ang ginawa ni Moreno at kanyang mga konsehal ay isa lamang “publicity stunt” sa pamamagitan niya.

Pinuna rin ni Lim ang ginawa ng kampo ni Moreno gayung tahimik naman sila sa alegasyon sa kanila na magmimintina sila ng mga “ghost employees” sa kanilang opisina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply