BMEG pababagsakin ang AIR21

Games Today (Digos City)
6:45 p.m. B-Meg Llamados vs Air21 Express

PAKAY ng B-Meg Llamados na magpatuloy sa matinding laro kontra sa Air21 Express mamayang gabi Philippine Basketball Association (PBA) Governors Cup na lalaro sa Digos City.

Tangka ng Llamados ang ikaapat na panalo kontra sa Express sa kanilang upakan ng alas-6:45.

Hawak ngayon ng Llamados ang  3 wins at 1 loss habang ang Express ay may  isang panalo at dalawang kabiguan.

Mainit na nakabalik sa porma ang B-Meg at itinala ang tatlong sunod na  pagwawagi makaraang anihin ang masaklap na pagkatalo kontra sa Rain or Shine sa kanilang unang pagsalang at pinayuko rin  ang Barangay Ginebra Kings, Barako Bull Energy at ang huli ay ang Meralco Bolts.

Nakapagkamada ang Llamados ng 31 malaking puntos mula sa tikas ni Marcos Blakely katuwang sina James Yap at Marc Pingris na may pinagsamang 29 puntos sa kanilang 88-83 panalo laban sa Bolts.

Ang Express naman ay mula sa 92-106 kabiguan laban sa Rain or Shine.

Humataw sa laro si Zachary Graham ng 37 puntos at 20 rebounds subalit kinapos ang kanyang katropa kung saan tanging siyam na puntos ang naibigay ni Renren Ritualo, at tigwalo naman kina Elmer Espiritu at Ogie Menor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply