Bodega nasunog, bumbero sugatan

NASUGATAN ang isang fire volunteer makaraang rumesponde sa nasusunog na bodega sa Quiapo, Maynila kaninang madaling araw.

Nagtamo ng sugat sa kanang kamay ang fire volunteer na nakilalang si Roder Camilo, nasa hustong gulang.

Base sa insiyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-1:00 ng madaling araw nang magsimulang lumiyab ang gusali ng Jaxhing Philippine Commercial and Industrial Corporation na nasa panulukan ng Carlos Palanca at San Miguel streets., sa Quiapo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Manila Fire Department, umabot sa ika-apat na alarma ang sunog na naapula dakong alas-4:55 ng madaling araw.

Nabatid na kabilang sa mga nasunog sa nasabing gusali ay ang iba’t ibang uri ng motorsiklo na pawang mula sa bansang China.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog at inaalam din ang halaga ng mga kagamitang naabo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply