Bomb scare sa tanggapan ni Vice Mayor Isko Moreno

NABULABOG ang tanggapan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno kagabi (June 5)  dahil sa tawag na may iniwang bomba .

Ayon sa Manila Bomb squad, dakong alas 7:30 kagabi ng madiskubre ang kahina-hinalang dalawang kahon sa labas ng tanggapan ng bise alkalde.

Pagsapit sa lugar ng mga tauhan ng bomb squad ay natuklasang hindi bomba ang laman ng dalawang kahon ngunit sa kasamaang palad hindi natukoy ang naglagay ng dalawang kahon dahil sira ang CCTV  camera sa labas ng opisina ni Moreno.

Ikinukunsidera ng bise alkalde na isang uri ng pananakot ang nabanggit na insidente.

Una nang tumestigo si Moreno sa sala ni Manila Regional Trial Court Branch 49 Judge Daniel Villanueva na may kaugnayan sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong kinakaharap ng mga empleyado ng Manila City Hall na nagtatrabaho sa mga tanggapan ng konsehal at sa opisina ng Bise Alkalde bilang mga casual employee, consultant at researcher dahil sa sinasabing hindi ibinibigay ng city treasurer at city budget office ang kanilang suweldo mula pa noong April 1, 2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply