Bosh hindi rin maglalaro sa London Olympics

ISANG araw pagkatapos malaman na hindi maglalaro si Heat star Dwyane Wade sa gaganaping 2012 London Olympics ay nagdesisyon na rin si Chris Bosh na mag-withdraw sa team USA.

Si Bosh na kakampi ni Wade sa Heat ay kailangan na ipagpatuloy ang recovery sa natamong strained abdominal muscle.

“This injury was a pretty serious one,” saad ni agent Henry Thomas. “He was able to come back and play under the circumstances because he was trying to contribute to them winning a championship. There’s still pain. There’s still discomfort. And the real concern is if he doesn’t rest and do the rehab associated with the injury, this could become sort of a chronic thing for him.”

Matapos inanunsyo nina Bosh at Wade ang kanilang desisyon ay 16 players na lang ang natitira para sa 12 spot sa U.S. Olympic team at tanging si basketball superstar LeBron James ang naiwan na representative ng Heat para sa national team roster.

Kumpiyansya naman si Bosh na madedepensahan pa rin nila ang kanilang titulo kahit nalulungkot ito sa kanyang desisyon.

“I am extremely disappointed to say that due to injury, I cannot represent my country,” saad ni Bosh.

Kasama si Bosh ng magkampeon ang U.S. sa 2008 Beijing Olympics sa standing na 8-0 kung saan ay nag-averaged siya ng 9.1 points at 6.1 rebounds.

“He wanted to be part of it,” ani Thomas. “It was a great experience in ’08. Feels like it could be another one.”

Bukod kila Bosh at Wade, kasama rin sa listahan sina Derrick Rose at Dwight Howard na hindi makakalaro sa London Olympics dahil sa injury.

Samantala, sa Hulyo 7 sasabihin ang official Olympic roster ng U.S. basketball team.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply