Bradley binakante ang titulong naagaw kay Pacman

PORMAL nang binitiwan ni American undefeated boxer Timothy Bradley Jr ang kanyang umano’y ninakaw na titulong WBO welterweight championship belt kay 8-division world champion Manny Pacquiao.

Ito ang isiniwalat ni WBO President Paco Valcarcel hinggil sa naging desisyon ni Bradley.

Ayon kay Valcarcel, maliwanaw na talagang gusto ng 28-anyos na boksingero na magkaroon sila ng rematch Pacquiao.

Pero ang nasabing rematch ay hindi pa rin tiyak dahil may bulung-bulungan na niluluto ang Part IV ng Juan Manuel Marquez fight.

Una ng sinabi ni Top Rank Promotions CEO Bob Arum, na nasa kay Pacquiao pa rin ang desisyon kung itutuloy ang rematch kay Bradley.

Kung maalala, base sa ginawang imbestigasyon at re-scoring ng WBO sa Pacquiao-Bradley fight ay lumalabas na landslide ang panalo ng Pinoy boxing champion.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply