Bradley knockout sa 11th round

KAHAPON pa lang ay 4-1 favorite na si Manny “Pacman” Pacquiao bilang mananalo kontra Timothy “Desert Storm” Bradley sa Linggo  sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, pero ang odds ay hindi mahulaan kung gaano kahigpit ang laban.

Pabor kay Pacquiao ang momentum ng laban dahil na rin sa mga nagdaang karanasan nito at pagiging world class boxer.

Pero nasa isipan ng ‘Pacmaniacs’ ang mga thrilling victories kontra Oscar Dela Hoya, Ricky Hatton at Miguel Cotto maging ang pagpaparusa kontra kina Erik Morales at Marco Antonio Barrera.

Ngunit pagdating sa kamakailan na mga laban, tila naging mortal na muli si Pacquiao, dahil nabigo siyang pabagsakin sina Shane Mosley at Antonio Margarito. Nahirapan din siya kay Juan Manuel Marquez noong Nobyembre at nakontrol sa counter-punching techniques si Pacquiao sa kanilang trilogy fight.

Tinalo silang lahat ni Pacquiao, bagamat lumaban na parang tao na sa huli, pero ipinakita ang pagiging super-human laban kina Dela Hoya, Hatton at Cotto.

Sa kabilang banda, sinisimulan pa lang ni Tim Bradley na makuha ang WBC light welterweight title kontra Junior Witter ng England. Na-excite ang fans sa kanyang gutty performance at nagawa pang maagaw ang korona sa muntikang split decision.

Mula roon, nakapagtala ng ilang panalo kina hard-hitting Kendall Holt, Devon Alexander at Joel Casamayor.

Lamang ay ‘di nakalulusot si Bradley sa malakidlat na bigwas, dahil natutumba rin siya, pero ang kanyang tikas ang nagpapatindig uli sa kanya, nakarerekober at nakatatayong muli. Sa tiradahan ng suntukan, nakasasabay siya.
Mahina lang sa depensa si Pacquiao, hindi magalaw ang  ulo at madaling masukol kapag naibaba ang kamay.

Pero, ang pakaiingatan kay Pacquiao ay ang kanyang opensa. Hindi lang sa sobrang bilis ng kanyang mga kamao kundi mabilis din ang kanyang mga paa. Matatarget niya ng kanyang kombinasyon at masasaktan ang kalaban bago pa siya magantihan. Parehong ang kanyang bilis at lakas ay pinagsasabay para masangga ang atake ng kalaban.

Kapag sumugod ang kalaban ng 2-punch combination, sasagot siya ng 4 hanggang 5 kombinasyon sapat para ma-technical knockout si Bradley pagsapit sa 11th round.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply