Bradley nakatanggap ng death threats

PAGKATAPOS ng kontrobersyal na pagkapanalo laban kay People’s Champ Manny Pacquiao, inihayag ni newly crowned WBO welterweight champion Timothy Bradley na nakatatanggap siya ng death threats.

Isiniwalat ni Bradley sa isang panayam na nakatatanggap siya ng mga mensahe na may halong pagbabanta sa kanyang buhay sa Facebook at Twitter.

“Definitely on Facebook and Twitter, reading people’s comments, e-mails and people are sending me like death threats, telling me to die, telling me to give the belt back, ‘if you’re a man’ and all this hate mail. Just people being really rude like I’m the one to blame. ‘If you’re a real champion and want any respect from me then you’d give the belt back’,” ang pahayag ni Bradley.

Marami man ang patuloy na bumabatikos sa kanya kaugnay ng laban ay iginiit pa rin ng American boxer na malinis ang kanyang panalo laban sa People’s Champ.

“I earned the belt and I’m not giving the belt back. The judges thought I won the fight and that is that. I’m not the one to blame here.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply