Bradley patutulugin ni Pacman

MARAMING bagay na isusugal si Manny Pacquiao bukod sa kanyang World Boxing Organization weltewerweight title sa sandaling makasagupa na niya si unbeaten American Timothy Bradley bukas dahil may reputasyon siyang inaalagaan.

Sinabi ni trainer Freddie Roach na ang Pinoy ring icon ay lalaban upang muling maibalik ang reputasyon sa nangyaring kontrobersiyal na majority decision laban kay Juan Mauel Marquez noong Nobyembre, 2011.

“Manny’s motivation is his last fight. We had the first bad fight we had in 11 years,” ani Roach.  “He wants to prove to the world he’s not washed up.”

Naangkin na ni Pacquiao ang ilang world titles sa walong weight divisions, nakapagtala ng  54-3 record na may dalawang tabla at 38 knockouts. Naging bayani sa Pilipinas, naging mambabatas at sikat sa buong mundo.

Pero naranasan ng 33-anyos na hindi maging kumbinsido ang panalo  kontra Marquez na ikinabahala na baka laos na ito at nawala na ang lakas.

Sinabi ni  Roach na determinado si Pacquiao na muling patunayan ang kanyang sarili, ayon kay Roach na naniniwala siya na isang knockout ang ipalalasap nito kay Bradley.

“I do feel he has a knockout on his mind,” ayon kay Roach.

Alam nina Pacquiao at Roach na ang 28-ayos na si Bradley na may iaakyat na 28-0 record at may 12 knockouts ay gigil na makalikha ng pangalan sa pinakamalaking laban ng kanyang career.

“He’s a tough young guy coming up, but I think he’ll get eaten up as he comes,” ani Roach, na naniniwala na si Bradley ay sobrang mabagal at kulang sa lakas para talunin si Pacquiao.

Sisikapin naman ni Bradley na iwasan ang toe-to-toe battle kay Pacquiao na baka gumana ang bilis, lakas at abilidad nito sa suntukan.

Sinabi ni Roach na naniniwala siya na si Bradley ay lalaban talaga kay Pacquiao at makakatapat ng perpekto ng kampeon.

“I think they are trying to mix us up a little,” ani Roach. “I think we can count on him coming to us.”

Si Bradley na nagwagi sa WBO light welterweight title bout kontra kay Junior Witter ng Britain ng England noong 2008 ay sasagupa sa ikalawang pagkakataon sa 147 pounds.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply