Bradley sinigurong babagsak si Pacman

KUMPIYANSA si Timothy Bradley na matatalo niya sa kanilang laban si Manny Pacquiao sa MGM Grand sa Linggo kaya siya na mismo ang unang nag-imprenta ng unang ticket at fight poster para sa rematch.

Karay-karay ni Bradley ang napakalaking tiket, nakasulat pa ang kumpletong Row (A) at Seat number (1), at poster na may Nov.10, 2012 date para sa kanilang rematch at iniabot sa kanyang misis na si Monica sa final press conference sa Hollywood Theater kanina sa MGM Grand Garden Arena.

“Here baby, I want you to have the first ticket,” sabi ni Bradley habang iniaabot niya sa kanyang misis ang malaking tiket. “I’m ready to shock the world. I’m ready to do anything I need to do to win. I’m ready to go to war.”

Tinawag ni Bradley (28-0, 12 KOs) ang kanyang training camp na “hell.’’

Bahagyang natawa si Pacquiao sa ticket stunt, at tinawag naman niya ang kanyang training camp na “heaven.”

Hindi ito laban ng mabuti at masama, dahil kinokonsidera ni Bradley ang sarili na spiritual man.
Pero ang nakaiintriga dahil naranasan ni Pacquiao ang maging relihiyoso at malaking tulong ito sa sandali ng kanyang laban sa12-round WBO welterweight title bout sa MGM Grand Garden Arena.

Sinabi ni Trainer Freddie Roach na kakaibang Pacquiao ang sasagupa sa Linggo. Hindi siya magpapakapagod sa training at maghahanda sa laban na ito kung hindi rin lang siya mananalo.

“As distractions go, this is a better one than the ones he had before,” ayon kay Roach.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply