Breath analyzers tests sa mga traffic enforcers, sinimulan ng MMDA

MALAKAWANG breath analyzer tests sa mga traffic enforcers ang  inilunsad ng Metro Manila Development Auhtority (MMDA) upang malaman kung nasa impluwensiya ng alak ang mga ito habang nasa duty.

Isinagawa ang breath analyzer test sa MMDA Traffic Emergency Station na pinangunahan ni Atty.Yves Randolf Gonzales, Director ng Traffic Discipline Office ng MMDA.

May 50 traffic enforcers ang isinalang sa testing bago magsipag duty ang mga  ito.

Ayon pa kay Gonzales magiging random ang gagawin nilang testing sa ibat-ibang formation area ng mga traffic enforcers sa Metro Manila.

Nilinaw din ni Gonzales na may kaakibat na parusa sa sinugmang mapapatunayan lalabag sa kanilang panuntunan kapag naisumbong ng publiko na lasing o amoy alak habang nasa trabaho.

Sinabi pa ni Gonzales susupendihin ng isa hanggang anim na buwan ang sino man sa kanilang enforcers na magpopositibo sa impluwensiya ng alak at tuluyan namang masisibak sa serbisyo kapag naulit muli.

Sa unang araw ng testing, nag negatibo naman lahat ng isinalang dito na traffic enforcers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply