Tsikboy na tserman pinatay

CAGAYAN DE ORO-Ang pagiging palikero umano ng isang punong barangay ang tinitingnan ngayong motibo ng mga awtoridad sa pamamaslang dito.

Kinilala ang biktima na si Punong Barangay  Landong Sadrac ng Brgy Limonda, Opol, Misamis Oriental.

Batay sa imbestigasyon, isinakatuparan ng hindi pa nakikilalang salarin ang pagpatay sa biktima sa Cruz Taal-Capistrano Sts. sa nasabing siyudad habang nakaupo sa nakaparadang sasakyan ang biktima at agad itong pinagbabaril gamit ang kalibre 45 pistola.

Nagawa pang maisugod sa  Northern Mindanao Medical Center ang biktima subalit idineklara ito ng mga doktor na dead-on-arrival dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Ayon kay Supt. Danilo Tumanda, hepe ng Divisoria Police Station, kanilang tinututukan ang posibilidad na personal grudge ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Base rin sa pahayag ng isang  babaeng nakasaksi na planado ang pagpatay sa kapitan.

Ayon sa saksi, nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng jacket na lumapit sa sasakyan ng biktima at agad itong binaril.

Samantala, pinatunayan ng mismong pinsan ng nasawing punong barangay na si Lorna Gabon ang pagkakaroon umano nito ng maraming karelasyon.

Napag-alaman na noong Disyembre 2011, binaril din ang biktima sa labas ng sabungan sa Brgy. Igpit, Opol ngunit hindi ito tinamaan.

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply