Brgy. kagawad itinumba sa Kyusi

PATAY ang isang barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng apat na kalalakihan habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Quezon City kagabi (Hunyo 15, 2012).

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktima na kinilalang si Roberto Mariano, kagawad ng Brgy. Commonwealth, QC bunga ng tinamong anim na tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Ayon kay SPO1 Emmanuel Ang ng Quezon City Police District,Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang pamamaril dakong 7:20 ng kagabi sa kahabaan ng IBP Road ng lungsod.

Batay sa inisyal na ulat, sakay ng kanyang big bike motorcycle ang biktima palabas ng IBP Road at nang matapat ito sa mga nakaabang na suspek katabi ang dalawang nakaparadang mga motorsiklo sa gilid ng kalsada ay dito na siya pinaulanan ng bala ng mga salarin.

Nang masiguro ng mga suspek na wala nang buhay ang biktima tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo at iniwan ang duguang biktima.

Magkagayunman hawak na ng mga pulis ang isang saksi na makapagbibigay linaw sa krimen kung saan sinabi niya na bago nangyari ang pamamaril ay may isang oras na niyang nakikita ang dalawang motorsiklo na nakaparada sa gilid ng kalsada habang nasa tabi nito ang apat na kalalakihan na tila may inaabangan sa lugar.

Nagulat na lamang umano siya ng biglang paulanan ng bala ng mga suspek ang biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply