Brgy Kagawad itinumba sa Masbate

ISA pang barangay kagawad sa lalawigan ng Masbate ang itinumba ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan sa may Brgy. Manamoc, bayan ng Aroroy, Masbate .

Sa ulat kinilala ang pinaslang na biktimang si Jesus Pina, isang Brgy. Kagawad sa nasabing barangay ay pinasok mismo ng mga suspek sa loob ng kanilang bahay at saka pinagbabaril sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Agad din naman na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malaman na direksyon matapos na maisagawa ang krimen.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang tunay na motibo ng mga suspek sa pagpatay sa naturang barangay kagawad.

Nagpapatuloy naman ang paghahanap ngayon sa mga suspek na nananatiling nakakalaya.

Kung maaalala, madaling araw ng parehong araw ay pinatay din ang biktimang si Edgar Bocboc, isa ding barangay kagawad ng Brgy. Paraiso, bayan ng San Fernando ng mga pinaghihinalaang miyembro New People’s Army (NPA).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply