Brgy. sa Kyusi pwedeng magkansela ng klase

MAYROON na umanong karapatan ang bawat barangay sa Quezon City na magkansela ng klase sa panahon na may bagyo, pagbaha at iba pang weather disturbances.

Ito ay makaraang magpalabas ng isang memorandum si QC Acting Mayor Joy Belmonte na nagbibigay pahintulot sa lokal na pamahalaan at sa bawat barangay officials  na magsuspende ng klase kapag nakakaranas na sila ng pagbaha at iba pang high risk situation sa kani-kanilang mga nasasakupang mga lugar sa lunsod kahit na walang storm signal ng bagyo tulad ng nagdaang si Butchoy.

Sa ilalim ng Presidential Executive Order No. 66, ang punong barangay, bilang chairman ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC), sa pakikipag ugnayan sa mga opisyal ng paaralan ay otorisadong mag suspendi ng klase ng hindi lalampas ng alas 4 ng madaling araw para sa morning class at hindi lalampas ng 10:30 ng umga para sa afternoon classes .

Ang BDRRMC ay agad na mag-uulat sa  QC Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) action officer  sa pamamagitan ng DPOS action line 928-4396 o 927-5414 para sa kanselasyon o suspension ng klase.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply