Brgy. Tanod, ligtas sa pamamaril sa Caloocan City

HIMALANG nakaligtas ang isang barangay tanod ng hindi tamaan ng bala matapos itong  pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding in-tandem Martes ng gabi, June 12, sa Brgy. 161 Baesa, Caloocan City.

Kinilala ni Sr.Supt. Jude Wilson Santos Hepe ng Caloocan police ang biktima na si Nestor Dela Rosa, 24, binata, Brgy. Tanod ng Reparo St., Baesa ng nasabing lungsod

Base sa imbestigasyon ni Sp01 Eleuterio Flores ng Station Investigation Division ng Caloocan police, ganap na alas 10:00 ng gabi ng pagbabarilin ang biktima sa tapat ng Baracuda Garment sa nasabing barangay.

Naglalakad pauwi ang biktima sa nasabing kalye kasama ang dalawa pa ng biglang dumating ang riding in tandem at agad nagbunot ng kalibre 45 at walang sabi-sabing pinaputukan ang una subalit himalang hindi tinamaan kaya agad kumuripas ng takbo para magtago sa gilid ng pader.

Batid ng suspek na hindi niya tinamaan kaya agad itong pinasibat ang sinasakyang  MIO motorcycle na hindi na palakahan.

Nakarekober ang mga otoridad sa pinangyarihan ng 2 empty shell ng kalibre .45 na ginamit sa pamamaril ng ng suspek.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nabigong krimen.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply