BSP: $1B pautang sa IMF galing sa national reserves ng bangko

IPINALIWANAG ni Bangko Sentral ng Pilipinas ((BSP) Deputy Governor Diwa Gunigundo na hindi nanggaling sa kaban ng gobyerno ang $1-B na ipinautang ng bansa sa International Monetary Fund (IMF).

Nilinaw ni Gunigundo ang ipinautang sa IMF ay nanggaling sa national reserves ng BSP.

Binigyang diin ni Gunigundo na ang national reserves ng bansa ay hindi maaring gamitin sa pagpapagawa ng mga local infrastructure, ito naman ay maaring ipautang o ipuhunan na pwede ring makuha sakaling kailanganin na ng bansa.

Ayon pa kay Gunigundo ang ginawang pagpapautang ng bansa ay para tumulong sa nagaganap na krisis ngayon sa Europa.

Tinatawag din itong “fire walling the euro zone,” ang pagtutulong-tulong ng iba’t ibang mga bansa upang hindi na lumaganap pa sa ibang rehiyon ang nasabing economic crisis.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply