BSP: Mag-ingat sa pekeng pera na nagkalat

MULING nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa publiko na mag-ingat at maging mabusisi sa mga naglipanang mga pekeng peso bill ngayon.

Ginawa ng BSP ang babala kasunod ng pagkakaresto ng dalawang kababaihan na sina Jonabell Candaw at Mylene Ancobe na aktong gumagamit ng pekeng pera sa isang mall sa Mandaluyong City.

Nabatid na kadalasan umanong ginagamit ang mga pekeng pera sa mga mall at gasoline station.

Ayon sa BSP, ang  original na papel na pera ay kailangan medyo magaspang kumpara sa peke na madulas.

Kailangan, ayon sa BSP, na may watermark ang sa kanang bahagi ng mga papel na pera at may naaninag na security thread.

Ang mga pekeng pera ay madalas din umanong inihahalo sa mga original na pera upang ito ay maipakalat at maibili nang hindi napapansin .

Papatawan ng multa na hanggang P2,000 o makukulong depende sa bigat ng pagkakasala ang sinuman na mahuhulihan na gumagamit ng pekeng pera.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply