Buhay ang negosyo sa pagdating ng submarino

NAKANGITI ang maraming negosyante, empleyado at kanilang mga pamilya sa nakalipas na mga araw dahil sa pagdaong ng USS Louisville na submarino ng U.S. Navy sa Subic Bay Freeport.

Milyon-milyong pisong halaga ang gumugulong ngayon sa Freeport at mga karatig lugar dahil sa mga serbisyo at supply na kailangan ng submarino.

Mistulang tourist attraction rin ang USS Louisville na nakadaong sa Alava Pier ng Freeport sa dami ng mga nagpupunta rito upang ma-silayan o kaya’y makakuha ng litrato. Sanay ang mga taga-Olongapo, Bataan at Zambales sa paroo’t parito ng mga barko at submarino dahil hanggang 1992, ang ngayo’y Subic Bay Freeport ay base militar ng mga Amerikano.

Iyon nga lang, may mga kabataan na wala nang alam sa kasaysayan tulad ng mga taga-ibang lugar kaya kailangang paalalahanan.

Ito ang totoo: sa harap ng kalakalang binubuhay ng paroo’t parito ng mga sasakyang dagat ng mga Amerikano at lalo pa dahil sa pananakop ng bansang China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea, hindi bababa sa 90% ng mga taga-Olongapo/Subic ang gusto sa pagbabalik ng U.S. base, kung pwede nga lang.

Ang mga kumokontra rito ay maaaring tingnan ang kinahinatnan ng Subic at Olongapo matapos umalis ang mga Amerikano noong 1992 upang kanilang maunawaan.

May mga darating pang sasakyang pandagat ng mga Amerikano sa Subic na sana’y huwag maudlot ng mga protesta na mga taga-Metro Manila at iba pa na hindi naman alam ang talagang istorya ng buhay dito. Ito Ang Totoo!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply