Bull, Blaze target ang panalo

Games Today (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. – Barako Bull vs Rain or Shine
6:30 p.m. – Petron Blaze vs B-Meg

NAKABIG na ng Rain or Shine Elasto Painters at B-Meg Llamados ang unang dalawang posisyon sa semifinals ngunit pakay pa rin ng mga ito na maipagpatuloy ang matinding laro laban sa hiwalay na kalaban mamayang hapon sa Philippine Basketball Association (PBA) Governors Cup.

Magtatagisan ang Elasto Painters at Barako Bull sa first game ganap na alas-4:15 at magsasabong ang Llamados kontra sa defending champion Petron Blaze sa second game ng alas-6:30 sa Smart Araneta Coliseum.

Magkatuwang ang Elasto Painters at Llamados sa liderato hawak ang parehong 5-1 marka na naghatid sa kanila sa semifinals.

Yumuko sa Rain or Shine kamakalawa ng gabi ang Meralco Bolts sa itinarak na 81-77 panalo kung saan nagbiday si Jamelle Cornley sa 21 puntos at 10 rebounds para sa Elasto Painters.

Labing-anim na puntos ang idinagdag ni Paul Lee habang tumarak ng 10 si Gabe Norwood.

Ito ang sandigan ng Painters para pigilan ang tangka ng Barako.

Samantala, ang Barako ay humahabol sa semis kaya’t buong puwersang sasagupa sa Elasto Painters.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply