Buntis ayaw makipagbalikan, sinaksak ng ex

DAHIL ayaw makipagbalikan, sinaksak ng isang binatilyo ang dati niyang nobya na buntis sa South Cotabato, kagabi (Hunyo 6).

Isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital (SCPH) sanhi ng isang saksak sa likod ang biktimang si Jean Lagos, 17-anyos ng Barangay Libas, Tangtangan, South Cotabato.

Tinutugis na ngayon ng pulisya para panagutin sa krimen ang menor de edad na suspek na itinago sa pangalan na Toto, 17-anyos.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:30 kagabi sa bahay mismo ng biktima.

Bago ito, nagpunta ang suspek sa bahay ni Lagos para suyuin ito at panagutan ang pagbubuntis nito pero tumanggi ang mga magulang ng dalagita dahil bukod sa mga menor de edad ay nag-aaral pa silang pareho ng biktima.

Imbes pumayag, nagalit ang suspek at biglang hinabol ng saksak si Lagos na ang pinipuntirya ay ang tiyan ng dalagita pero nakatalikod na ito nang masaksak ni Toto.

Hindi naman nabanggit sa ulat ng pulisya kung bakit naghiwalay ang magkasintahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply