Buntis nanganak sa LRT

NANGANAK ang isang ginang sa loob mismo ng isang bagon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 sa Baclaran Station, kaninang umaga, Hunyo 7.

Tuluyang nanganak ng babae si Angel Hucba, 33, sa loob mismo ng umaandar pang tren kung saan nagtulung-tulong ang mga pasahero upang mairaos ng ginang ang kanyang panganganak.

Nabatid na galing ng Edsa si Hucba  patungo  sana sa Fabella Hospital sa Sta. Cruz para sa isang check-up ngunit bigla na lamang itong nanganak sa naturang lugar.

Masuwerte namang may dalawang nursing students  na kinilalang sina Ronelyn Horario at Ana Marie Bugcat  ang naging pasahero ng naturang tren kung saan  tumulong magpaanak kay Hucba.

Inutusan ng mga ito ang driver ng tren na huminto muna sa Pedro Gil Station, na katabi lang ng Philippine General Hospital (PGH).

Nabatid pa na isinugod sa ospital ang dalawa na hindi pa nagugupit ang pusod ng sanggol.

Nasa ligtas nang kondisyon ang mag-ina.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply