Bus bumaligtad, 26 sugatan

DALAWAMPU’T anim ang sugatan matapos sumadsad at tuluyang bumaligtad ang isang passenger bus sa Puerto Princesa City, Palawan kahapon  ng umaga.

Sa police report,inihayag ng driver ng San Isidro Bus Lines na kinilalang si Norberto Salazar Jr., galing sila sa bayan ng Roxas at tinatahak ang kilometer 56 nang mangyari ang insidente.

Nabatiod sa salaysay na biglang nag-cut sa highway ang isang motorsiklo at dahil may kasalubong silang isa pang bus ay wala na,aniya, siyang nagawa kundi umiwas pa-kanang bahagi ng kalsada.

Dito na, aniya, nahulog ang kanyang bus sa gutter at tuluyang bumaligtad dahil sa bilis ng takbo.

Agad tumakas ang driver ng motorsiklo.

Sasagutin naman ng may-ari ng bus ang pagpapagamot sa 26 na pasaherong nagtamo ng sugat at bali sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply