Bus tumagilid sa QC: Kundoktor patay, 13 sugatan

NASAWI ang isang kundoktor habang 13 ang sugatan kabilang na ang driver makaraang tumagilid ang isang pampasaherong bus na papaakyat sana sa flyover sa Quezon City kaninang alas-dos ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Zyriel Gupa, 27, konduktor ng bus at residente ng 10 Saint Mark PSIC Pacita Complex, San Pedro, Laguna.

Nilapatan naman ng paunang lunas ng mga rumospondeng rescue team ng Quezon City ang mga nasugatan.

Ayon kay SPO2 Jun Cuaresma ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1 naganap ang insidente sa South Bound Lane ng Edsa bago umakyat ng flyover ng Quezon Avenue, QC.

Habang tinatahak ng driver ng bus na si Anastacio Polan ng Cher Transport (PXM-165) ang kahabaan ng Edsa at paakyat na sana sa flyover nang sabihin umano ng konduktor nito na sa ilalim sila dumaan para pumik-up ng pasahero.

Sa puntong ito nalito na ang driver ng bus dahilan para tumama ito sa railings ng fly over at tumagilid ang nasabing bus.

Pinabulaanan naman ni Bulan na hindi mabilis ang kanyang pagtakbo ni hindi rin siya nakatulog habang nagmamaneho.

Patungo sanang Navotas ang naturang bus na nagmula sa Pacita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply